Hindi sumuko ang world number 59 Pilipinas laban sa world number 18 Uzbekistan matapos tumabla, 3-3, sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup qualifiers sa Tashkent Lunes ng gabi.
Sinalba ni Manila Digger midfielder Judy Connolly ang Pilipinas matapos umiskor ng panabla sa huling dalawang minuto ng laro gamit ang kaliwang paa laban sa kapitana ng Uzbekistan na si Feruza Turdiboeva.
Ninakaw naman ni Connolly ang bola mula sa rumaragasang star player ng Uzbekistan na si Lyudmila Karachik sa huling minuto samantalang lumambat ng save ang 16-anyos na goalkeeper na si Samantha Hughes sa tira ni Karachik sa huling segundo.
Natamo ng Pilipinas ang ika-apat na puntos para pansamantalang pangunahan ang Group C ng torneo.
Nauna rito, muling umiskor mula sa lob shot sa kaliwang bahagi ng sahig sa Bella Flanigan para sa maagang pag-abante ng Pilipinas sa 16:08 mark ng first half.
Matapos ng tatlong minuto, sumagot si Nilufar Kudratova na umiskor mula sa long ball ni Karachik.
Inagaw ni Filipinas star Katrina Guillou ang kalamangan limang minuto ang nalalabi sa first half matapos umiskor mula sa diagonal pass ni Flanigan.
Uminit sa Karachik, iskorer ng 33 international goals para sa Uzbekistan national football team, sa second half matapos umiskor ng brace para lumamang sa Pilipinas, subalit sinalba nina Connolly at Hughes ang puntos para sa Pilipinas.
Tangan tangan ang tablang ito at ang 4-1 na panalo laban sa Kuwait noong Linggo, sunod na makakaharap ng Pilipinas ang Turkmenistan sa Myerkules, alas sais ng gabi (Manila time).
(Retrato mula sa Philippine Football Federation)



