POPULAR »
Mon 22 July 2024

Inoue, undisputed champ sa KO kay Tapales

[supsystic-social-sharing id="1"]

Hindi nakayanan ni Marlon Tapales ang sunod-sunod na yanig na pinakawalan ng ngayo’y undisputed superbantamweight champion Naoya Inoue ng Japan kung kaya’t bumagsak ang dating International Boxing Federation at World Boxing Association champion sa ika-sampung round ng unification championship fight.

Nasungkit ni Inoue ang momentum laban sa Pinoy sa dulo ng Round 4 matapos mapabagsak si Tapales sa pamamagitan ng three-punch combo sa ulo.

Hilong talilong si Tapales na lumaban sa sunod na anim na rounds at bagamat nakapagbitaw siya ng power punches sa bodega at ulo ni Inoue, hindi ito kasing talim ng mga matutuling two-punch/three-punch combos ni Inoue.

Kusa na lang bumagsak si Tapales sa 1:02 mark ng ika-sampung round matapos ng dalawang malalakas na suntok ni Inoue sa gloves ng Pinoy at kahit napagbigyan ng referee ng eight-count, hindi na nakabangon ang dating kampeon.

Dahil dito nasungkit ni Inoue ang mga korona ni Tapales para maging undisputed world champion.

Si Inoue ang defending World Boxing Council at World Boxing Organization superbantamweight king bago ang laban kontra Tapales.

Nananatiling walang talo si Inoue matapos makuha ang ika-26 na panalo at ika-23 knockout.

Ito naman ang ika-apat na talo ni Tapales sa 41 laban.

* * *

 



[supsystic-social-sharing id="2"]