POPULAR »
Mon 22 July 2024

GINULAT ANG MUNDO: Pinas, abante kontra Latvia sa FIBA OQT

[supsystic-social-sharing id="1"]

Taas noong ginapi ng world number 37 at reigning Asian Games Champion Philippine Men’s National Basketball Team ang world number 6 at FIBA Worlds quarterfinalist Latvia, 89-80, sa FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa homecourt ng kalaban sa Riga Hwebes ng madaling araw.

Dala ng mahigpit na depensa sa ilalim at teamwork sa opensa, umarangkada ang Pilipinas sa isang 8-0 run sa umpisa ng laro at tinapos ang first quarter sa pamamagitan ng 11-0 run para sa 32-16 na tambak.

Pinalobo ng Pilipinas sa 26 ang lamang sa third quarter, 74-48, at bagamat tinangkang humabol ang Latvia sa fourth quarter kung saan pinababa nila ang lamang sa walo, 85-77, naubusan din ng bala at oras ang home team.

Sinelyo ni Justin Brownlee ang laro sa ikatlong minuto ng fourth quarter sa pamamagitan ng four-point play para sa 81-75 na lamang samantalang sunod-sunod na pick-and-roll drives ang minintis ng Latvia sa last two minutes bunsod ng mala-panungkit na depensa ni Kai Sotto.

Dahil sa disiplina, depensa, at modernong sistema ipinamalas ng Gilas, naipanalo ng Pilipinas ang kanilang kauna-unahang OQT game mula 1964.

“I’m totally shocked to be sitting here in front of you guys after winning this basketball game. This isn’t something that we thought we’re gonna do,” ani Gilas head coach Tim Cone sa post-game press conference. “We just came here to compete and really put on a good show,”

“Gotta credit our guys and our defense. We were doing our best to defend everybody,” paliwanag nya hinggin sa susi ng tagumpay ng Gilas, partikular sa inihanda niyang depensa laban sa star players ng Latvia na sina Davis Bertans at Rodions Kurucs.

Pinangunahan ni Brownlee ang Pilipinas sa pagtala ng 26 na puntos, siyam na rebound, at siyam na assists samantalang sumungkit si Sotto ng 18 puntos, walong rebound, at 70% field goal shooting.

Ang dating Milwaukee Buck na si Kurucs ang nanguna para sa Latvia na may 18 puntos at pitong rebounds saamantalang nalimita sa sampung puntos ang Charlotte Hornets forward na si Bertans.

Hindi naglaro si former PBA Most Valuable Player Scottie Thompson at Ginebra star forward Jamie Malonzo para sa Pilipinas dahil sa injury samantalang injured din sina Latvian star point guard Arturs Zagard at NBA champion center Kristaps Porzingis.

Makakalaban ng Pilipinas mamayang alas-8:30 ng gabi ang Georgia na siyang ika-26 sa mundo.

Pinangungunahan nina San Antonio Spurs power forward Sandro Mamukelashvili at Orlando Magic center Goga Bitadze ang Georgia.

Kahapon, natambakan ng Latvia ang Georgia, 73-55, sa OQT Group A opener. * * *



[supsystic-social-sharing id="2"]