
Bilang pakikiisa sa paggunita ng Buwan ng Wika, isang munting timpalak sa pagsulat ng tula ang inilulunsad ngayon ng Fullcourtfresh.com!
Narito ang mga panuto:
“Nagmamadali ako!!!” version:
1) Magsulat ng tula tungkol sa palakasan na hindi bababa sa walong linya at hindi lalampas sa dalawampu’t limang linya. Maaaring may sukat at tugma o malayang taludturan ang tulang sulat-kamay. I-scan at ipadala sa [email protected].
[imagebrowser=5]
“May oras akong magbasa ng panuto.” version
1) Gumawa ng tula tungkol sa kahit anong bagay na may kinalaman sa palakasan (sports) at ibuhos ang marubdob na damdamin sa akdang may sukat at tugma o nasa malayang taludturan.
2) Sulat-kamay ang inyong ipapadalang tula (i-scan at i-email sa address na nakalagay sa ibaba) dahil lagi na lang kayong nasa harapan ng computer. Huwag isulat ang inyong pangalan sa papel. Isama ninyo na lang sa body ng email.
3) Malaya kayong gumamit ng alinman sa aming mga litrato bilang inspirasyon, at isama sa inyong email ang link ng litrato na inyong napili. Kung wala kayong mapusuan, maari kayong gumuhit sa inyong papel. Kani-kaniyang diskarte, dahil hindi kami mambabasag ng trip.
4) Hindi bababa sa walong (8) linya at hindi hihigit sa dalawampu’t limang (25) linya ang nasabing tula.
5) Opsyonal ang pag-like sa Facebook Page ng FCF, dahil masunurin kami sa Facebook na nagbabawal sa ganoong klaseng kabalbalan.(Basahin ang guidelines dito). Gusto namin na nila-like kami kasi like nyo talaga kami, di dahil sa may gusto kayong makuha sa amin. Kaya “welcome” kayong i-like ang FCF. Kung ayaw niyo, okay lang din… *hikbi*
6) Tatlo ang mananalo ng napakagandang Muni Travel Journal: gawang Pinoy na kwaderno para sa mga proud Pinoy!
6) Wag ka dahil si Vlad Gonzales, manunulat at propesor sa UP Diliman lang naman ang magiging punong hurado sa patimpalak! Chismis dati na siya daw si Bob Ong. Pero sobrang galing niya promise! As in isa siyang treasure! At pwede mo siya i-Google!
7) May kapangyarihan si G. Vlad Gonzales na mamili ng mas mababa sa tatlong mananalo. Kung sakaling mangyari ito, ipapamigay ang mga matitirang kwaderno sa mga mambabasa ng Fullcourtfresh.com sa pamamagitan ng raffle.
6) Bukas ang patimpalak sa lahat ng mambabasa ng Fullcourtfresh.com, at mga makatang nagmamahal sa ating sariling wika.
7) Hanggang sa ika-dalawampu’t lima (25th) dalawampu’t walo (28th) ng Agosto ang pasahan sa email na [email protected]. Iaanunsyo ang mga mananalo sa unang linggo ng Setyembre.
8) Para sa mga karagdagang tanong, mag-comment lang sa baba ng pahinang ito o mag-email sa [email protected] o sa nabanggit na address sa itaas.



